Tuesday, November 08, 2005

THE EXCUSE OF THE SUN FOR THE SCORCHING AFTERNOON HEAT

I haven't been doing one of my most favorite things to do for quite some time now.

I love writing narrative screenplays. I used to spend a lot of time when I was still studying writing short screenplays for short movies. I was lucky enough to make three short movies out of some of my short screenplays - Popsongs and Wonderwoman, Games that Children Play, and Bang Bang Cults. They're mostly character studies of troubled but interesting individuals.

I love writing. It's a totally whole new world for me. It's where I am free to imagine and create interesting characters that would arouse my interest. It was hot yesterday afternoon and I wasn't doing anything much. Finally after months of working with no break I had some free time for myself. I went to my computer and started typing in some conversations between two characters - a carefree fifteen year old boy and his lola, fifteen days before the boy leaves for abroad for good after being petitioned by his American father, set in one of the hottest summers ever to be recorded in Philippine soil ...


The result is an interesting character study between two individuals and a screenplay that I can't wait to finish...

*Excerpt from the screenplay that I am writing: With the title "Pasintabi ng Araw sa Init ng Tanghaling Tapat"


Mako Voice-over:
Putang ina ang init… mapapamura na lang ako sa sobrang init ngayong araw na to. Actually… sa mga nagdaang araw… Walang exag pero talagang kumukulo lahat ng kaloob-looban ko… Eto na siguro yung pinakamainit na summer na na-experience ko. Gusto ko mang magmall pero –olats akong panggastos. Puta... problema pa tong long hair ko... Kaya eto, ligo na lang ako ng ligo. Puta…lulunurin ko na lang ang sarili ko sa malamig na tubig… di bale bago ko umalis papuntang "tate"... goodbye longhair...

Lola Aying:
Mako… mako…

Mako:
Po?

Lola Aying:
At bakit walang yelo sa ref? Nasaan na yung mga ginawa ko dito kagabi?

Napatingin si Mako sa loob ng drum, nagkandalusaw-lusaw na ang mga yelong linagay nya sa loob nito. Pasimple nyang hinango ang mga plastic na balat ng yelo at dahang dahang tinapon nya ito sa may paso sa likod niya. At patay malisya syang nagpatuloy sa pagligo.


Lola Aying:
Mako, nasaan sabi yung mga yelo rito sa ref?

Napalabas si Lola Aying upang usisain ng lalo si Mako na abala sa pagligo. At sa nakita nyang nanginginig na katawan ni mako ay alam na nya kung anong nangyari sa ginawa nyang yelo.

Lola Aying:
Lintek kang bata ka… Alam mong gagamitin ko yung mga yun sa gulaman ha?

Mako:
Ang init lola eh... Its d sans folt nat me…

Lola Aying:
Anong gagamitin ko ngayon ha? Sinong bibili ng gulamang hindi malamig? Inubos mo yung yelong ginawa ko…

Sinagot naman ito ni Mako ng kanyang karabaw English na isang lingo na rin niyang prinapraktis upang pagnagkita na sila ng kanyang Amerikanong ama ay hindi siya gaanong mapapasubo.

Mako:
Ofcorz nat… I left sam der.

Lola Aying:
Iisa… iisang supot ng yelo sa isang galong sago’t gulaman… ha? Eh hindi na samalamig yon…

Mako:
Opo… Eh di samaligamgam na lang sya….


Lola Aying:
Aba’t nakuha mo pang magbiro loko ka ha…

Kinuha ni Lola Aying ang suot nyang bakya at nasaakto na nyang babatuhin ang pilosopong apo.

Mako:
La… masakit yan… isusumbong ko kayo, baka gusto nyong makasuhan ng DSWD… child battery yan…

Walang sabi-sabing binato ni Lola Aying si Mako subalit nakailag ang apo. Bigla namang sumalok ng tubig si Mako at pilit na binasa ang matanda. Patuloy siyang naglaro na parang bata… sa napaka-init na araw ng tanghaling tapat.

No comments: