Thursday, April 28, 2005

SARAP AT TABANG NG ISANG LATANG DIET COKE


Kundangan kasi’y
naglabas pa
ng ibang mapagpipilian…
At bakit di na lang nakuntento
sa kokakolang hatid ri’y
pamatid-uhaw na kagyat.

Kundangan kasi’y
naimbento pa
ang kung tawagi’y nutra-sweet…
Naisara tuloy ang mga azucarerang
disin sana’y taga-paghatid
ng tamis at dyabetis.


Kundangan kasi’y
natagpuan ko pa
ang pag-ibig mong walang saysay…
di tulad ng latang recycable
na pagkatapos gamiti’y
may bukas pang naghihintay.

Hindi man lang nila naisip
na sa bawat bukas
at sa bawat lagok,
ay lalung hahanapin
ng manhid kong katawan
ang sarap at tabang
ng kung anong
nakakalasong kemikal.


Tulad ng pag-ibig mong carcinogenic,
unti-unti,
dahan-dahan,
subalit siguradong
hinagpis
ang siya nitong

patutunguhan.




No comments: